Matagumpay na naisagawa ang Simulation Exercise SIMEX sa mga security cluster kagabi sa dalawang lugar sa Davao City.
Ayon kay Task Force Davao commander Col. Darren Comia, ang pagsasanay na ito ay namarkahan ng 9.0 over 10 sa Roxas Night Market at sa PLAZA NOVA FOOD PARK sa Nova Tierra at nagpapasalamat din siya sa publiko sa kanilang aktibong partisipasyon sa naturang aktibidad kung saan isang concerned citizen ang agad ang nag-ulat sa kanila na mayroong unattended bag na naglalaman ng EID.
Dagdag pa nito na nasa isipan na ng mga tao ang ipinatupad na culture of security campaign na “May Nakita, Dapat Magsalita” sa lungsod.
Sa nasabing aktibidad, dumalo ang iba’t ibang security cluster tulad ng Public Safety and Security Office (PSSO), Davao City Police Office (DCPO), Task Force Davao, 911, Armed Forced of The Philippines – K9, at iba pa.
Ang SIMEX ay isang paraan ng security cluster upang patuloy na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod lalo na sa mga nalalapit na major events sa lungsod ngayong Marso, gaya ng Araw ng Dawaw.