-- Advertisements --
Nagkampeon sa Italian Open si Simona Halep matapos talunin si defending champion Karolina Pliskova.
Nakuha ng top seed ang unang titulo nito sa torneo ng magtala ng 6-0, 2-1 na score.
Nagtapos lamang kasi ng siyang runner up noong 2017 at 2018 Rome WTA Final.
Sinabi nito na napamahal na siya sa nasabing torneo at hindi niya malilimutan ang nasabing paglalaro.
Nagtamo kasi ng injury sa kaniyang kaliwang hita si Pliskova na labis naapektuhan sa paglalaro kaya pagpasok ng third set ay nagpasya na itong huminto.