-- Advertisements --

Umatras na sa Tokyo Olympics si world number 3 tennis player Simona Halep.

Sinabi ng Romanian tennis star dahil sa patuloy pa itong nagpapagaling sa kaniyang calf injury.

Noong nakaraang linggo kasi ay hindi na nito tinapos ang laro sa Wimbledon dahil sa injury.

Sinabi nito na gustong-gusto niyang irepresenta ang Romania sa Olympics subalit pinayuhan siya ng kaniyang mga doktor na ipagpaliban na ang pagsali.

Isa ang 29-anyos na si Halep sa ilang kilalang tennis players na umatras sa paglalaro sa Olympics kasama sina Serena Williams, men’s world number 3 Rafael Nadal at Dominic Thiem.