-- Advertisements --

Nagwagi ng record-extending ninth all-around national titles sa US Championships si Simone Biles.

Nagtapos ito sa kabuuang 119.750 habang nasa pangalawang puwesto si Skye Blakely at pangatlong puwesto si Kayla DiCello at pang-apat na puwesto si Suni Lee.

Dominado ni Biles ang nasabing torneo kung saan nagtagumpay ito sa apat na events gaya ng balance beam, floor exercise, uneven bars and vault.
Ang nasabing national championships ay huling kaganapan para sa US gymnast bago ang Olympic trials sa huling linggo ng Hunyo.

Ang magwawagi ng all-around competitions sa trials ay otomatikong pasok sa koponan at mamimili naman sil ng mga babae na lalahok sa Paris 2024.