Pinaghahandaan na ng mga organizers ng Tokyo 2020 Olympics ang ilang mga adjustments na ilalatag.
Ilan sa mga ito ay ang pagsasagawa na lamang ng simpleng mga seremonya at ang pagkakaroon ng limitadong bilang ng mga manonood sa bawat sporting events.
Ayon kay Tokyo governor Yuriko Koike, nais nilang gawin na lamang simple ang okasyon kaysa hayaan na tuluyan itong makansela.
Kabilang na rin dito ay ang pagtitipid sa gagastusin sa kapwa opening at closing ceremonies.
Gumastos na raw kasi sila ng milyun-milyon nang ipagpaliban ang Olimpiyada na dapat sana ay gaganapin na sa darating na Hulyo.
Una rito, inanunsiyo ng International Olympic Committee na ipagpapaliban muna ang Olympics dahil sa coronavirus pandemic, at itinakda na lamang ito sa Hulyo 23, 2021.