-- Advertisements --

Magsasagawa ng simpleng pag-alala ang mga mamamayan ng New York sa ika-20 taon ng terrorist attack.

Bukod sa online activities ay mayroong simpleng programa ang gagawin sa tinatawag na ground zero.

Bibisitahin ni US President Joe Biden at First Lady Jill Biden ang tatlong lugar kung saan nangyari ang pang-aatake.

ATTACKDS

Isa rito ang World Trade Center sa New York City, Pentagon sa labas ng Washington DC at sa Shanksville, Pennsylvania kung saan bumagsak ang United Airlines Flight 93.

Si Vice President Kamala Harris naman ay magtutungo sa Shanksville kasama si second gentleman Doug Emhoff bago sasamahan sina Biden sa Pentagon.

Isasagawa naman sa 9/11 Memorial at Museum ang seremonya kung saan babasahin ang pangalan ng mga biktima at magsasagawa moment of silence dakong alas-8:25 ng umaga o alas-8:25 ng gabi ng Sabado oras sa Pilipinas.

Makikibahagi dito ang mga honor guards, mga bumber, kapulisan at Port Authority Police Department.

Isang private observance naman ang gagawin ng mga miyembro ng pamilya ng 40 katao na sakay ng United Airlines Flight 93 sa National Memorial site malapit sa Shanksville, Pennsylvania.

Pagkatapos basahin ang pangalan ng mga nasawing pasahero ay patutunugin nila ang kampana.

Sa Pentagon naman sa Northern Virginia, isang private ceremony ang gagawin ng US Department of Defense para alalahanin ang 184 biktima kung saan tumama sa kanlurang bahagi ng gusali ang American Airlines Flight 77.

Pangungunahan nina Defense Secretary Lloyd Austin at General Mark Milley, chairman ng Joint Chief of Staff ang seremonya sa Pentagon.

9 11 terror attack Ny
Twin Towers attack (US Secret Service files)

Sa gabi ay isasagawa ang taunang Tribute in Light na ang ilaw ay sumisimbolo sa twin towers.

Magugunitang nasa 3,000 katao ang nasawi nang 19 na al-Qaeda attackers ang nag-hijack sa apat na commercial airplanes na ang naging utak ay si Osama bin Laden.

Dalawang eroplano na American Airlines Flight 11 at United Airlines Flight 175 ang isinalpok sa north at south tower ng World Trade Center habang ang American Airlines Flight 77 ang bumagsak sa Pentagon.

Sinasabing ang mga pasahero ng United Airlines Flight 93 ay lumaban sa mga hijackers bago bumagsak ang eroplano sa lupain sa Shanksville, Pennsylvania na target sana itong bumagsak sa Washington.