-- Advertisements --
palace malacanang  Malacañang

CAGAYAN DE ORO CITY – Maglalabas ng simplified materials ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) ukol sa usaping pederalismo na isinulong ng Pangulong Rodrigo Duterte sa harapan ng mga kababayang Filipino.

Ito ay dahil hindi mainit ang pagtanggap ng publiko sa layunin ng gobyerno na magpalit ng sistema mula unitary form tungo sa pederalismo na magbigay kapangyarihan na pamahalaan ang sarili na mga rehiyon sa bansa.

Ito ang pag-amin ni PCOO asssistant secretary Atty. Kristian Ablan kaugnay sa natanggap na feedback mula taongbayan na tila napakabigat na usapin at kailangang mapa-simple ang laman ng federal draft para maunawaan ng lahat.

Sinabi ni Ablan na ito ang dahilan na hindi mula sila nagpalabas ng anumang ulat ukol sa mga sektor na binigyan nila ng lectures dahil ayaw nila na magkaroon ng karagdagang kalituhan ang publiko.

Inihayag ng opisyal na pagkatapos ng halalan sa Mayo 2019, sisimulan na nila ang paglilimbag ng mga material katulad ng leaflets o brochures na simpleng nagpapaliwanag sa usaping pederalismo.

Dagdag nito na gagawa sila ng mga babasahin o materials na akma sa local dialects sa bawat rehiyon para maunawaan ng husto ang layunin ni Duterte sa pederalismo.

Magugunitang una nang umalma ang ilang sektor dahil hindi naipaliwanag ng husto ang pederalismo dahil kahit cabinet officials ni Duterte ay iba ang pagkakaintindi nito.

Napag-alaman na maging ang Kamara ay mayroong sarili rin na bersyon ng panukalang pederalismo na umani ng mga reaksyon dahil na naka-self serving para sa mga mambabatas.