Simula ngayong araw ay pinapayagan nang makapasok sa Pilipinas ang mga dayuhang turista na walang visa.
Ang hakbang ng gobyerno ay bilang bahagi pa rin ng unti-unting pagbubukas na ng mga border ng Pilipinas habang dumarami na ang mga bakunado laban sa COVID-19.
Nilinaw naman ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga fuly vaccinated lamang na mga foreigners ang papayagang makapasok sa Pilipinas na walang visa mula sa listahan ng 157 mga bansa na nakapaloob sa executive order.
Kabilang sa mga bansang ito ay mga nationals na magmumula sa Canada, Japan, Singapore, USA, New Zealand, Malaysia, South Korea at marami pang iba.
Meron ding programa ngayon na one-year Balikbayan privilege para sa mga fully vaccinated na papayagan ng makapasok sa bansa.
Ito ay para rin sa dating mga Filipinos, kabilang ang kanilang dayuhang mga asawa at at dependents na kasama nila sa biyahe ay papayagan na rin na visa-free sa loob ng isang taon sa pagbisita sa Pilipinas.
Una nang iniulat ng IATF na ang mga darating na alien tourists ay kinakailangan na magpresenta lamang ng negative RT-PCR test na kinuha 48 oras bago bumiyahe sa pinanggalingang bansa.