KALIBO, AKLAN – Nakatakdang bukas ang muling pagsasagawa ng simulation exercise na pangungunahan ng lahat ng may kinalaman sa paghahanda para sa muling pagtanggap ng commercial flights sa Kalibo International Airport.
Magsisimula ang simulation exercise bandang alas-8:30 ng umaga.
Sa naturang pagsasanay, sinabi ni Engr. Eusebio Monserate, Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan, tutukuyin ang mga kinakailangang paghahanda para sa pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa nasabing paliparan.
Kasama sa pagsasanay ang pagtutuk sa mahigpit na pagsunod sa new normal protocols.
Makatotohanan aniya ang gagawing drill upang makita ang magiging scenario sa oras na magsimula ang pagtanggap ng mga domestic travelers.
Mula sa pag-akyat ng mga paalis at pagbaba sa eroplano ng mgaparating na pasahero hanggang makarating ang mga ito sa arrival at departure area.
Sa kabilang daku, ipinasiguro ni Engr. Monserate na handa na ang paliparan sa muling pagbubukas ng operasyon.
Sa kasalukuyan ay wala pang abiso ang Inter-Agency Task Force kung kailan silang papayagang makapag-operate.