-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Isinagawa ang Simulation Program tungkol sa African Swine Fever (ASF) sa kapitolyo ng lalawigan ng Benguet.
Nakibahagi sa aktibidad ang lokal na pamahalaan, ang Department of Agriculture (DA), Veterinary Offices at iba pa.
Naipaliwanag sa aktibidad ang kahalagahan ng pakikiisa sa kampanya laban sa ASF.
Isa sa mga napag-usapang pinaka-epektibong paraan para maiwasan ang ASF ay ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga entry points para walang karneng apektado ng ASF ang makapasok sa lalawigan.
Una nang tiniyak ng DA na nananatili ang Benguet bilang ASF-free na lalawigan.