Todo depensa ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang operasyon noong Sabado sa Negros Oriental kung saan 14 na magsasaka ang namatay.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni PNP spokesperson police S/Supt. Bernard Banac na lehitimo ang ginawang simultaneous police operations, gayundin na may search warrants na hawak ang pulisya.
Ito’y kasunod ng mga akusasyong sapilitan at kulang sa dokumento ang pag-aresto ng otoridad sa mga akusado.
“Ang buong PNP ay nakabukas para ipakita ang totoong nangyari; at sasabihin (namin) ang katotohanan. Wala naman talagang massacre na nangyari. Iba ito sa alam natin na massacre na isang lugar at isang panahon lang ginawa. Ito ay iba’t-ibang lugar (ginawa),” ani Banac.
Dinepensahan din ni Banac ang pag-kwestyon sa panlalaban umano ng 14 na biktima kaya sila napatay.
Ayon sa tagapagsalita, imposible na sadyang pinatay ng mga pulis ang mga magsasaka dahil may 12 sumuko at maayos na sumama nang inaresto.
“May 12 naarestong suspects. Hindi naman nanlaban at maayos na sumuko,” dagdag ng opisyal.
Batay sa ulat, 41 armas ang nasabat ng mga pulis sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan.
Ito’y matapos mabatid na may ilang personalidad at supporters ng rebeldeng grupo na nagiimbak umano ng mga armas.
Bukas naman daw ang PNP sa mga hakbang at hiwalay na imbestigasyong gagawin ng ibang grup