All set na ang isasagawang simultaneous vaccination activities sa huling linggo ng Nobyembre.
Pero hindi pa nagbigay ang National Task Force Against COVID-19 ng eksaktong petsa kung kailan isasagawa ang National Vaccination Days.
Layon ng naturang aktibidad na makapagturok ng limang milyong vaccine doses.
Sa ngayon, base sa datos ng NTF, noong November 4 nasa kabuuang 62,474,334 na ang nabakunahan sa buong bansa.
Ang mga fully vaccinated individuals naman ay pumalo na sa 28,718,856 na katumbas ng 37.23 percent ng target population para makamit ang tinatawag na herd immunity.
Kung maalala sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr., na target nilang mabakunahan ang 70 percent ng kauunang populasyon ng bansa o 54 million Filipinos ng kahit isang dose lamang ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine pagsapit ng katapusan ng Nobyembre.
Ang naturang bilang daw ng mga indibidwal ay kailangan ding mabakunahan hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.