-- Advertisements --
afpbakuna1

Pinangunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang ceremonial vaccination ng mga Health workers ng AFP sa Lapu-Lapu grandstand sa Camp Aguinaldo.


Simultaneous ang gagawing pagbabakuna sa mga sundalo sa mga kampo ng militar sa Metro Manila kung saan alas-onse ng umaga sinimulan ang pagbabakuna.


Si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Jose Faustino naman kasama si Vaccine Czar Carlito Galvez jr. ang mangunguna sa aktibidad sa Philippine Army grandstand sa Fort Bonifacio, kasama sina Taguig Mayor Lino Cayetano, MMDA Chair Benjamin Abalos, at DOH director Aleli Sudial.


Ang pagbabakuna naman ng mga tauhan ng Philippine Navy ay isasagawa sa Jurado Hall, Marine Base Rudiardo Brown sa Fort Bonifacio, na pangungunahan naman ni Navy Flag Officer in Command Vice Adm. Giovanni Carlo Bacordo na inaasahang dadaluhan din ni Sec. Galvez.


Si DOH Sec. Duque ay inaasahan namang dadalo sa pagbabakuna ng Philippine Air Force na pangungunahan ni PAF Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes sa PAF Gymnasium sa Col. Jesus Villamor Airbase.