-- Advertisements --

Nagbabala si Engr. Rosendo So, Chairmen ng Samahang Industriya ng Agrilkultura o SINAG sa publiko hinggil sa mga nagbibenta online ng bakuna kontra African Swine Fever.

Ayon kay So, wala pang “for commercial vaccine” na ibibinebenta sa hog raisers kaya ang mga nakikita ngayon online ay ilegal. Aniya, ang mga dumarating pa lang sa bansa ay pang-testing pa lang.

Naipaabot na rin naman na raw ito kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel at sa Department of Foreign Affairs (DFA) para maimbestigahan at mahinto ito.