-- Advertisements --
Pinuna ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) si Pangulong Rodrigo Duterte dahi sa pagpayag nito na taasan ang minimum access volume sa pork imports.
Ayon sa grupo na isang kahihiyan sa sektor ng agrikultura ang ginawa ng pangulo na gawin ang pork import sa 350,000 metric tons.
Isa rin aniyang kaduwagan ito dahil sa hindi man lamang nabigyan ang kongreso ng tsansa para pag-usapan ang nasabing isyu.
Umaasa ang grupo na agad na makasagot ang mga senador at House of Representatives sa sulat ng pangulo sa loob ng 15 araw.
Paglilinaw pa ng grupo na hindi sila kontra sa importation pero nagiging problema lamang ang pananamantala ng ilang importers kung saan sila ang nagkokontrol ng pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy.