Nasamsam ng mga otoridad ang sako-sakong sigarilyo na pinaniniwalaang peke, sa isang warehouse, sa Capricho Uno bldg., Legaspi St., Brgy. V, Roxas City, Capiz.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, sa bisa ng search warrant na pinirmahan ni Hon. Esperanza Isabel Poco-Deslate, Executive judge ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Roxas City, naisagawa ang paghalughog sa nasabing bodega na inuupahan ng subject person na si Qing Zong Li, Chinese national at tumabmbad sa mga otoridad ang saku-sakong mga pekeng sigarilyo na may brand na mighty, Marlboro, Fortune, Marvels, Chesterfields, Jackpot at iba pa.
Sinasabing milyon ang halaga ng mga nakumpiska na mga pekeng sigarilyo.
Tikom rin ang bibig ng nasabing Chinese national na sinasabing nangungupahan lamang sa nasabing building.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Punong Barangay Aileen Leones, ikinagulat ng kanilang tanggapan ang pagkadakip sa Chinese national at hindi inakalang may warehouse ng pekeng sigarilyo sa kanilang lugar.
Sa ngayon hawak na ng Regional Intelligence Division ang mga nakumpiskang kontrabando, na gagamitin sa paghahain ng kaso kontra sa nasabing Chinese national.