-- Advertisements --

Binalaan ni PNP chief General Debold Sinas ang iba pang mga sangkot sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera na sumuko na sa loob ng 72 oras.

Sinabi ni Sinas na kapag hindi sila susuko ay mapipilitan silang gumamit ng puwersa kung kailangan para sila ay maaresto.

christine ICA dacera FA

Aniya, dapat ipasakamay na sila ng mga kaanak sa PNP.

Nagbabala pa ito na ang magtatangkang tatakas ay kanilang aarestuhin.

“This is a fair warning. Surrender within seventy-two (72) hours or we will hunt you down using force if necessary.”

Sinasabing mayroon pang walo na mga suspek ang hinahanap ng kapulisan na sangkot umano sa pagkasawi ni Dacera noong madaling araw ng Enero 1 sa isang hotel sa lungsod ng Makati.