Nagpaalam na si outgoing PNP Chief Gen. Debold Sinas sa lahat ng kaniyang mga tauhan kanina at naghahanda na para sa kaniyang pagreretiro sa serbisyo sa darating na May 8,2021.
Nagpasalamat din siya sa mga ito sa kanilang maayos na serbisyo sa panahon ng kaniyang termino.
Ayon kay Sinas, masaya siyang bababa sa kanyang pwesto dahil nagampanan niya naman nang maigi ang kanyang trabaho.
Nilinaw ni Sinas walang extension at tiyak na bababa siya sa pwesto sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.
” Ang lahat ng accomplishment na ipinagmamalaki natin ngayong araw
na ito ay nagmula lahat sa inyo. Every accomplishment of the PNP lies the story of the 221,000 police men and women of the PNP who heeded to my call to fight illegal drugs,crime, corruption and terrorism,” pahayag ni Sinas.
Binigyang-diin ni Sinas na isa sa ipinagmalaki niya sa kaniyang termino ay ang pagtugon ng PNP sa Covid-19.
Hinikayat nito ang mga susunod na Chief PNP na ipagpatuloy ang maayos na tugon sa Covid-19 at ang programang Chubby Anonymous para sa mga matatabang pulis.
No comment si Sinas kung tatanggap ba siya ng pwesto sa gobyerno matapos magretiro.
Binigyang-diin ni Sinas na hindi siya magdidikta sa incoming Chief PNP dahil bawat Chief PNP naman ay may kanya-kanyang programa.
Nabatid na nagsumite na ng rekomendasyon si DILG Sec. Eduardo Ano kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pangalan ng papalit kay Sinas.
” We have done our best that answers the challenges of the day and we are very happy that inspite of the big challenges particularly the Covid-19 pandemic we are able to give the basic services to our community,” dagdag pa ni Sinas.