-- Advertisements --

Nagpasalamat si Philippine National Police Chief Police General Debold Sinas kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Ito’y matapos muli nitong dinipensa ang kaniyang kinasangkutang kontrobersiya.

Sa kanyang talumpati sa unang flag raising ceremony sa Camp Crame, sinabi ni Sinas na magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman.

Paliwanag niya, siya ay natutuwa sa tiwala ng Pangulo pero nahihiya rin sya.

Matatandaan na sa televised speech ni Duterte ay inako nito ang “full responsibility” sa pagtatalaga kay Sinas dahil siya ang nag-promote dito sa nasabing posisyon.

Ipinagtanggol niya rin si Sinas at sinabing hindi kasalanan ng bagong Chief PNP kung ang kanyang mga tauhan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan sa pamamagitan ng mañanita.

Dahil dito pinatawad na umano niya si Sinas dahil wala namang alam dito ang opisyal nang pumunta ang mga tauhan at walang mali sa ginawang selebrasyon dahil sorpresa ito.