-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senador Sherwin Gatchalian na nasa Hong Kong na sa ngayon ang Chinese national na si Huang Zhiyang na sinasabing “boss” ng mga POGO at ang umano’y isa sa mga nag-facilitate para makatakas si Guo Hua Ping o Alice Guo ng bansa. 

Batay sa huling impormasyon noong Lunes, nasa Taiwan ang umano’y POGO boss na dati nang natuklasan ng mga otoridad na may limang pasaporte mula Kitts and Nevis, Dominica, Cambodia, Cyprus at China.

Bagamat hindi pa makumpirma ni Gatchalian kung si Huang Zhiyang ang “pinakabigboss” ng mga POGO, ngunit isa siya sa mga boss dahil lumalabas sa incorporation papers na present ang kanyang pangalan sa POGO hubs na Sun valley sa Clark Pampanga, Baufu sa Bamban at Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Tiyak naman ang senador na kabilang si Huang Zhiyang sa money laundering organized crime. 

Samantala, sa ngayon aniya ay wala pa raw impormasyong nasasagap ang   senador kung talagang may opisyal mula sa gobyerno ang tumulong upang makatakas ng bansa si Guo.