-- Advertisements --
IMG 20190503 163117

Patuloy umanong binubusisi ng National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Crime Division ang cellphone ni Rodel Jayme na gumawa ng website kung saan inapload ang video na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Ito ay para matunton ang kinaroroonan ni Maru Nguyen na humiling umano kay Jayme na gumawa ng website na gagamitin lamang sana sa magagandang nagawa ng sinusuportahang kandidato.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, isinasailalim na sa forensic examination ang cellphone ni Jayme para makakuha pa ng karagdagang impormasyon.

Una rito, inamin ni Jayme na hindi niya binura ang conversation nila ni Nguyen para kapag nagkaroon ng problema ay may magagamit ito laban sa sinasabing totoong nag-uplod ng “Ang Totoong Narcolist” video.