GENERAL SANTOS CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act ang isang job order worker matapos mahuli sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation(NBI).
Ayon kay Agent Reiner Pineza ng NBI Sarangani District Office na kanila ng iniimbestigahan ang posibleng sindikato sa loob ng Gensan City Health Office matapos nabunyag ang pag-isyu ng mga pekeng Health certificate na ginagamit sa pag-apply ng lokal na trabaho.
Kahapon nang nahuli ng mga kasapi ng NBI SARDO ang isang Alyas “Jethro” na nagpoproseso ng mga aplikasyon kagaya ng specimen, urine, stone at sputum test.
Sa isinagawang operasyon, nabawi mula sa suspek ang mark money na P500.00 bilang bayad sa pagpoproseso ng peke na health certificate na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.
Una ng sinabi ni Gensan City Administrator Atty. Franklin Gacal Jr. na sisibakin ang sino mang empleyado na may koneksyon kay Jethro sa tanggapan ng City Health Office alinsunod sa utos ni Gensan Mayor Lorelie Pacquiao.
Samtang, lubos na pinagsisihan ng suspek ang kanyang ginawa matapos pinagtuturo ang mga kasamahan sa pagpoproseso sa mga peke na dokumento.