Kinumpirma ng Singapore health ministry na mayroon na silang kaso ng isang bagong strain ng coronavirus.
Isa aniyang 66-anyos na Chinese national at residente ng Wuhan ang nasabing biktima na agad nilang dinala sa pagamutan.
Isa naman namang Indian nurse na nagtatrbaho sa southwestern Saudi Arabia ang dinapuan rin ng nasabing coronavirus.
Sa mahigit 100 Indian nurse na karamihan kasi sa Kerala at nagtatrabaho sa al-Hayat hospital na kanilang sinuri ay naging positibo sa sintomas ng nasabing virus ang isang nurse.
Matatagpuan ang Khamis Mushait ang Al-Hayat hospital o 900 kilometers southwest ng Riyadh, Saudi Arabia.
Dinala na sa quarantine area ang nurse at ito ay ginamot.
Umaabot na kasi sa 17 katao ang nasawi sa China at mahigit 200 ang nadapuan ng bagong uri ng coronavirus.