-- Advertisements --

VIGAN CITY – Normal at business as usual umano sa Singapore sa kabila ng dumarami ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID- 19).

Base sa huling tala, aabot na sa 77 ang bilang ng mga kumpirmadong mayroong COVID- 19 sa Singapore.

Sa report sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Renz Castro na tubong- Baguio City ngunit taga-Sta. Rosa, Laguna na nagtatrabaho sa education sector sa Singapore, wala umanong dapat na ipag-alala ang publiko dahil kontrolado ng Health Ministry ang sitwasyon sa nasabing bansa hinggil sa COVID- 19.

Sa katunayan umano, hindi lamang mga kawani ng Health Ministry ang nagtatrabaho upang makontrol ang sitwasyon sa Singapore sa paglaganap ng nasabing sakit kundi kasama rin nila ang Singapore military na nakapagbigay na ng 5.1 milyong facemasks sa mga residente.

Kaugnay nito, pinayuhan niya ang publiko na huwag maniwala kaagad sa mga kumakalat sa social media upang hindi magpanic at matakot.