-- Advertisements --
Nag-alok ng ayuda ang Singapore sa mga mag-asawang magkakaroon ng anak nitong panahon ng coronavirus pandemic.
Sinabi ng representante ng punong ministro, ang insentibo ay makakatulong sa mga aspiring parents na may problema sa pananalapi at nag-aalala tungkol sa kanilang trabaho.
Ayon sa mambabatas na si Heng Swee Keat, nakatanggap sila ng puna na ang COVID-19 ay naging sanhi kung kaya’t may mga magulang na ipinagpaliban ang kanilang mga plano na magkaroon ng anak.
Dagdag pa nito na malaking tulong ang bayad sa mga magulang sa mga gastos, ngunit hindi niya makumpirma kung magkano ang tatanggaping cash assistance ng mga magulang.