-- Advertisements --
Gagamit ng ‘RoboDog’ o Robot na Aso ang gobyerno ng Singapore para sa pagpapatupad ng social distancing at mabawasan na ang pagkalat ng coronvirus.
Ang remote-controlled, four-legged machine ay ginawa ng Boston Dynamics.
Unang inilagay ito sa central park nitong Biyernes bilang bahagi ng two-week trial kung saan pinaghihiwalay niya ang mga magkakadikit na tao na nasa park.
Sakaling magtagumpay ito ay dadagdagan pa nila ang nasabing mga robots na ipapakalat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Umabot na kasi sa mahigit 21,000 ang nadapuan ng coronavirus sa nasabing bansa.