Nagbayad umano ang Singapore government ng US$3-M o P168-M kay Taylor Swift para eksklusibong ganapin ang The Eras Concert Tour nito sa Singapore at hindi na ganapin pa sa ibang bansa sa Southeast Asia.
Iyan ang pagbubunyag ni Thailand Prime Minister Srettha Thavisin kung saan mismong ang concert promoter daw ng concert ni Swift ang nagsabi sa kaniya.
Inamin naman ni Singapore Culture Minister Edwin Tong na may financial grant silang ibinagay kay Swift ngunit hindi raw ito kasinglaki ng kumakalat na balita. Hindi na rin isinapubliko ni tong ang kondisyon ng financial grand dahil daw sa business confidentiality.
Matatandaan na nagbigay rin ng opinyon si Albay Representative Joey Salceda tungkol sa exclusivity ng concert ni Swift.
Aniya, magkaibigan daw ang Pilipinas at Singapore kaya masakit daw ang ginawa ng pamahalaan ng Singapore. Ang nangyaring ito raw ay dapat pag-usapan lalo na at mayroong ASEAN Trade in Services Agreement.
Sa kabuohan ay mayroong anim na sold-out shows si Swift sa Singapore kung saan magtatanghal siya sa higit 300,000 na katao. Ang iba nga ay nanggaling pa sa mga karatig bansa ng Singapore sa Southeast Asia gaya ng Pilipinas.