-- Advertisements --
SINGAPORE

Nagpasa ang mga mambabatas sa Singapore para malabanan ang fake news.

Nakasaad sa batas ang pagkakaroon ng karapatan ng gobyerno na tanggalin ang mga nilalaman ng online post mula sa iba’t-ibang uri ng social media.

Ang sinumang lalabag ay papatawan ng aabot sa $735,000 o halos P37 million at maaring makulong ng hanggang 10 taon.

Inalamahan naman ito ng ilang grupo at sinabing isa itong uri ng paglabag ng kanilang karapatan sa malayang pamamahayag.

Sa 89 miyembro ng parliamento ng bansa ay anim lamang sa mga miyembro nito ang kumontra.