-- Advertisements --
Inaprubahan ng gobyerno ng Singapore ang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Ayon sa health minister ng bansa, posibleng isagawa ang nasabing bakunahan sa mga susunod na linggo.
Aabot na kasi sa 87% ng 5.5 milyon populasyon ng bansa ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Tulad din ng US ay magiging on-third lamang ang dosages na gagamitin sa mga bata.
Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay inaprubahan ng gobyerno ng Singapore ang Pfizer BioNTech na gagamitin sa pagpapabakuna sa mga bata.