Binigyang-diin ni Singaporean President Tharman Shanmugaratman ang pagpapahalaga sa kalusugan ng mga ina at mga bata, lalo na sa kanilang unang dalawang taon.
Ginawa ng lider ng Singapore ang pahayag ng personal nitong binisita ang lungsod ng Taguig nuong Biyernes na layong palakasin pa ang ugnayan nito sa bansa partikular na sa kolaborasyon sa larangan ng kalusugan.
Binanggit din ni Tharman ang responsibilidad ng komunidad sa pagtitiyak na mabigyan ng magandang simula ang mga bata, partikular ang mga nanganganib magkaroon ng problema sa kanilang paglaki.
“I’m so happy that we are doing this together. The good comes in the doing, not just in policymaking, not just in having a strong enunciation about the importance of this intervention. The good comes in the doing. And that requires partnership. It requires committed partnerships, in your case, the Mayor and the team in Taguig City, KK Women’s and Children’s Hospital, who has the experts, Temasek Foundation, who is helping to make this possible and everyone else who’s involved,” pahayag ni President Tharman.
Ipinahayag naman ni Mayor Lani Cayetano ang mga hakbang ng Taguig para pagandahin ang serbisyong pangkalusugan at ang dedikasyon ng lungsod sa pangangalaga sa mga ina at bata sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Temasek Foundation ng Singapore at KK Women’s and Children’s Hospital.
Lumagda rin ang Taguig ng dalawang kasunduan upang palakasin ang serbisyong pangkalusugan nito lalo na para sa mga komunidad na hindi naaabot nito.
Layunin ng mga kasunduang ito na magbigay ng digital healthcare access sa 350,000 residente ng lungsod at pagandahin ang mga pasilidad pangkalusugan ng mga ina at bata.
Ang nasabing pagbisita ng Pangulo ng Singapore ay bahagi ng tatlong araw na State Visit nito sa bansa na nagsimula noong araw ng Huwebes
“As we embark on this journey, you can be assured that Taguig will approach this partnership with the same dedication and determination that have defined our progress over the years. We are always committed when it comes to opportunities that can elevate the standard of living for our people,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano.