Pinuri Singaporean President Tharman Shanmugaratnam na purihin si two time olympic gold medalist Carlos Yulo matapos masungkit ang dalawang gintong medalya sa nagdaang 2024 Paris Olympics.
Sa ginanap na Bilateral Meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos at President Shanmugaratnam sa Palasyo ng Malakanyang ngayong hapon hindi pinalagpas ng Singaporean leader ang kaniyang pagka bilib at papuri kay Yulo.
Ayon kay Shanmugaratnam, maituturing aniyang napaka laking milestone ito sa south east asia dahil si yulo ang natatanging atletang nakapag uwi ng dalawang ginto sa isang event sa olympic games.
Masaya namang ipinagyabang at ibinida ni Pangulong Marcos si Yulo.
Ikinuwento rin ng Pangulo na nung nagkaharap sila ni Yulo sa dinner reception ay sinabi nitong tatlo sana ang kaniyang gustong maiuwing gintong medalya, at kaniya na lamang aniyang sinabing okay lang yun, bata pa naman ito at marami pang kumpetisyong sasalihan sa hinaharap.
Kapwa sinabi ng dalawang lider na ang pagkapanalo ni Yulo sa olympic ay nagbigay ng boost o sigla sa lahat at maituturing aniyang national pride.