-- Advertisements --

Humingi ng kapatawaran ang dating Olympic champion ng Singapore na si Joseph Schooling dahil umano sa paggamit ng cannabis habang nasa ibang bansa.

Isa kasi ang Singapore na may mabigat na kaparusahan sa kanilang mga mamamayan kung mapapatunayang gumagamit ng droga sa labas ng kanilang bansa.

Mayroong karampatang kaparusahan ito ng 10 taon na pagkakakulong.

Ayon sa defense ministry ng Singapore na ang swimmer na kasalukuyang nasa dalawang taon ng kaniyang mandatory military service ay nagnegatibo sa droga subalit inamin nito ang paggamit ng cannabis habang nasa ibang bansa.

Binalaan na lamang nila ang 27-anyos na swimmer at ito ay isasailalim din sa supervised urine test ng hanggang anim na buwan.