-- Advertisements --

DAVAO CITY – Matapos ang 60 araw na medical leave, mismong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang isa sa mga sumundo kay Singaporean President Halimah Yacob nang dumating ito sa Davao pasado alas-sais kagabi sa isang hotel sa lungsod.

Suot ni Mayor Inday ang puting Filipiniana dress habang nakasuot naman ng barong ang kapatid nito na si Vice Mayor Baste Duterte.

Bago pa man dumating sa lungsod, sinalubong din ang Singaporean leader at asawa nitong si Mohamed Abdullah Alhabshee ng isang katutubong sayaw sa Francisco Bangoy International Airport.

Nabatid na bibisitahin ngayong araw ni President Yacob ang Philippine Eagle Foundation (PEF) sa Malagos at nakatakda rin itong makigpagdayalogo sa mga youth leaders sa Mindanao bago babalik sa kanilang bansa mamayang hapon.