Malugod na sinalubong ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., si Singaporean President His Excellency Tharman Shanmugaratnam na nasa bansa para sa tatlong araw na state vist.
Alas:4:30 ng hapon ng dumating sa Malakanyang ang Singaporean leader kasama ang Misis nito na si First Lady Jane Yumiko Ittogi Shanmugaratnam at ang kanilang delegasyon.
Binigyan ng arrival honors si President Shanmugaratnam at pagkatapos lumagda ito sa guest book ng Malacañan Palace at susundan ng kanilang bilateral meeting na nakatuon sa pagpapatibay muli ng kolaborasyon ng dalawang bansa na mahigit limang dekada ng nag exist.
Nakatakda din talakayin ng dalawang lider ang ibat ibang isyu na magpapalakas sa bilateral at multilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
Nakatakda ding tunghayan nina Pang. Marcos at President Shanmugaratnam ang paglagda sa ilang mga Memoranda of Understanding (MOUs), kabilang ang recruitment sa mga Filipino healthcare workers, collaboration ng dalawang bansa sa climate change financing.