-- Advertisements --
Pumanaw na ang singer-actor Sonny Parsons sa edad 61.
Ayon sa anak nito, inatake sa puso ang actor dakong 10:00 a.m. nitong Linggo ng umaga habang nasa charity drive kasama ang grupong Law Enforcement Riders Association of the Philippines (LERAP) sa Tayabas, Quezon.
Sinabi ng anak nito na isasapinal pa nila ang ibang mga detalye ng burol ng ama base sa tradisyon ng Muslim.
Sumikat ang actor o Jose Parsons Agliam Nabiula Jr sa tunay na buhay noong dekada ’70 at ’80 ng makasama ito grupong ‘Hagibis’ na siyang nasa likod ng mga sikat na kantang ‘Katawan’, ‘Legs’ at ibang mga kanta.
Noong dekada ’90 ay pumasok ito sa pag-aartista bago nahalal bilang konsehal ng Marikina City.