-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Napasabak sa kakaibang pag arte si Michelle Gallaga habang nasa US upang mabawasan ang pangungulila sa namayapang ama na si Peque Gallaga at dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong masilayan ito sa huling pagkakataon dahil na rin sa Pandemic.

Pinagbibidahan ni Michelle kasama ng kanyang anak na si Sofia ang isang episode sa Horror trilogy film na Quarantina Gothika kung saan silang pamilya lang din sa bahay ang nag tulong-tulong sa pag video ng kanilang scenes.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Michelle Gallaga, hindi umano siya lagi maka tulog kaya laking tulong din ang pag shoot ng episode 1 ng pelikula na ”Hello mom” sa direksyon ni Direk Lore Reyes.

”Kaya namin nagawa yon, sa tingin ko kasi wala kaming outlet para sa aming grief. Noong namatay si dad hindi ako makauwi. Sabi namin ilagay nalang natin sa something creative and something na yong love ni dad talaga, film making. Yong memory ni dad was our inspiration.” pahayag ni Michelle Gallaga sa Star FM Bacolod.