-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang singer na si Billie Eilish matapos ang pagkalat ng music video na bumigkas ito ng anti-Asian racial slur.

Sa kaniyang Instagram nagpost ito ng mga edited compilation ng mga video niya na kumalat sa internet.

Sa isang video makikita na tila nagbigkas siya ng anti-Asian racist slur at ang isa ay makikitang ginaya niya ang accent ng isang Asian.

Paliwanag ng 19-anyos na seven-time Grammy winner, ang video na kumalat ay noon ito ay nasa edad 13 o 14 anyos.

Wala itong idea sa mga salita noon dahil sa kaniyang edad subalit hindi ito aniya magiging dahilan na gumamit ng nasabing anumang salita.