-- Advertisements --
Pumanaw na ang singer at komedyanteng si Jograd Dela Torre sa edad na 63.
Ayon sa kaniyang anak na si Jog na dahil sa kumplikasyon sa atay, diabetes at hepatorenal syndrome ang sanhi ng kamatayan nito.
Kuwento ng isa sa kaniyang kaibigan na noong Hulyo ay ibinunyag niyang mayroon itong sakit sa atay at makailang beses na itong dinala sa pagamutan.
Naisipan na niyang sumuko noon dahil sa palaging umiinom siya ng gamot.
Naging co-host siya sa musical variety show na “Superstar” kasama ang National Artist na si Nora Aunor at ang namayapang si German “Kuya Germs” Moreno.
Nakaburol ang mga labi ng singer sa St. Peter Chapels sa Sampaloc, Manila.