TAGUIG CITY – Ipinakilala na ng Ramon Magsaysay Award Foundation ang lima sa kanilang gagawaran ng prestihiyosong pagkilala kung saan ang mga ito ay nanggaling mula sa South Korea, Myanmar, India, Thailand at Pilipinas.
Layunin ng award na ito na bigyang pugay ang ilang indibidwal na binubuwis ang kanilang oras upang tumulong na unti-unting baguhin ang buhay ng pangkalahatan.
Isa na rito si Raymundo “Ryan” Cayabyab, ang tinaguriang musical genius ng Pilipinas.
Noong taong 2018 iginawad din kay Cayabyab ng pamahalaan ang pinakamataas na pagkilala bilang National Artist for Music.
Naging tanyag si Cayabyab noong 1970s nang masungkit ng kaniyang kantang “Kay Ganda ng Ating Musika” ang grand prize sa ginanap na kauna-unahang Metro Manila music festival at international song festival na ginanap sa South Korea noong 1978.
Siya rin ang conductor, arranger, at composer ng award-winning Philharmonic Orchestra at Master Chorale.
Naging basehan umano ng Ramon Magsaysay Award Foundation ang naiambag na komposisyon ni Cayabyab na mas lalong humubog sa larangan ng musika hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo.
Ilan din sa gagawaran ng Ramon Magsaysay Award ay sina Ravish Kumar ng India, Angkhana Neelapaijit ng Thailand, Kim Jong-Ki ng South Korea at Ko Swe Win ng Myanmar.
Isinagawa ang anunsiyo sa mga recipients ng highest award ngayong taon sa tinaguriang Asia’s counterpart ng Nobel Peace Prize Award ay sa Rufino Campus ng Dela Salle University sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.
“The Ramon Magsaysay Award, Asia’s premier prize and highest honor, celebrates greatness of spirit and transformative leadership in Asia. In the past five decades, the award has been bestowed on over three hundred outstanding men, women and organizations whose selfless service has offered their societies, Asia, and the world successful solutions to some of the most intractable problems of human development,” bahagi ng statement ng Ramon Magsaysay Foundation. “The trustees of the Ramon Magsaysay Award Foundation annually select the awardees. Awardees are presented with a certificate and a medallion with an embossed image of Ramon Magsaysay facing right in profile. The Award is presented to them in formal ceremonies in Manila, Philippines on August 31st, the birth anniversary of the much-esteemed Philippine President whose ideals inspired the Award’s creation in 1957.”