-- Advertisements --
Don Mclean
Don McLean/ Twitter post

Hindi maiwasang ilabas ni Don McLean ang kaniyang sama ng loob sa UCLA matapos na bawiin ang ibinigay sa kaniya na award matapos na maaresto noong 2016 dahil sa pananakit sa asawa.

Sinabi ng “American Pie” singer, na ang nasabing kaso ay matagal ng nangyari.

Ibinasura na rin ng korte ang kaso noong 2017.

Nakatakda sanang gawaran ito ng George and Ira Gershwin Award ng UCLA Students Alumni Association si McLean subalit ito ay binawi.

Ilan sa mga nabigyan ng nasabing award ay ang bandang Linkin Park, The Who, Alanis Morissitte at Dame Julie Andrews.