-- Advertisements --

Sinagot ni Frankie Pangilinan ang mga bashers nito na sumingit sa pila noong ito ay nagpaturok ng COVID-19 vaccine.

Noong nakaraang mga araw kasi ay nagpost ito ng video habang nagpapaturok ng COVID-19.

May ilang mga netizens ang tila pumuna dito at sinabing sumingit siya sa pila dahil kilala aniya siyang singer bukod pa sa anak nina Senator Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta.

Pagkukuwento naman ni Frankie na kaya siya inuna ay dahil sa mayroong itong sakit na asthma kung saan inalala pa niya noong ito ay nag-aaral ay inatake siya ng nasabing sakit.

Nakatanggap aniya ito ng text message mula sa Makati City Government at doon inilaan ang nasabing schedulen ng pagpapabakuna.

Noong una aniya ay may agam-agam siya sa pagpapabakuna subalit nawala din ito at tuluyang nagpaturok ng COVID-19 vaccine.

Hinikayat din nito ang mga followers na magpaturok ng bakuna para na rin sa proteksyon ng mga nakapaligid sa kanila.