-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang singer /politician na si Imelda Papin.

Ito ay matapos na italaga siya bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nakilala ang singer sa mga sikat na kanta nito gaya ng “Isang Linggong Pag-Ibig”, “Bakit” at maraming iba pa.

Kabilang sa bagong chairman ng PCSO si Felix Reyes na dating namumuno ng Philippine Judges Association.