-- Advertisements --
Ibinahagi ng English singer na si Jessie J ang ilang mga larawan ng kaniyang anak ilang araw matapos niya itong isilang.
Sa social media account ng “Price Tag” singer ay nagpost ito ng ilang larawan.
Ilan sa mga larawan ay ang paa, kamay at ang likod ng ulo ng anak na lalaki.
Mayroon din itong mensahe sa kaniyang nobyo na si Danish-Israeli basketball player Chanan Colman na hindi nang-iwan sa kaniya mula noong ito ay nakunan noong 2021.