-- Advertisements --
John Prine
John Prine/ WikiPedia

Pumanaw na ang singer-songwriter na si John Prine matapos dapuan ng coronavirus sa edad 73.

Ayon sa kaniyang publicist, hindi na nito nakayanan ang sakit habang nasa Vanderbilt University Medical Center sa Nashville.

Noong nakaraang buwan ng itakbo ito sa pagamutan matapos makitaan ng sintomas ng coronavirus.

Ipinanganak sa Chicago at nagsimula ang musical career noong 1970.

Nagtatanghal ito sa open-mic nights sa Chicago bar ng mapakinggan ng Sun-Times reporter na si Roger Ebert ang pagkanta nito kaya ginawan niya ng artikulo na “Singing Mailman” dahil nagtatrabaho noon si Prine sa postal office sa umaga.

Taong 1971 ng lumabas ang unang album nito na kinabibilangan ng kantang “Paradise” at “Hello There”.

Dinapuan ito ng Stage 3 neck cancer noong 1996 kung saan inoperahan ito at tinaggal ang ilang bahagi ng kaniyang leeg.

Bumalik ang cancer niya noong 2013 at tinanggal ang kaniyang kaliwang baga.

Huling album nito ang “The Tree of Forgiveness” na nominado sa Grammy at naging No. 5 sa Billboard charts.

Nitong Enero ay ginawaran siya ng lifetime achievement award sa Grammy.