-- Advertisements --
Ipina-blotter sa Philippine National Police ng singer na si Jojo Mendez ang actor na si Mark Herras.
Kasama nitong nagtungo sa Station 10 ng PNP sa Kamuning,Quezon City ang abogado nitong si Atty. Chiqui Advincula nitong Abril 1.
Sinabi ni Atty. Advincula na binantaan ng actor ang singer na ito ay kaniyang sasaktan at sisirain ang mga ari-arian.
Dagdag pa nito na kaya nila ipinablotter ang insidente dahil hindi nila minamaliit ang anumang banta sa buhay.
Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay nakita ang actor at singer na magkasama kung saan marami ang nanghinalang may namamagitan sa kanila.