Umapela ng privacy ang singer at social media star na si Katrina Velarde kasunod ng pagkumpirma na sumakabilang-buhay na ang kanyang asawa na si Mike Shapiro.
Si Shapiro ay isang American music producer na nakatrabaho ang ilang malalaking music icon.
Kabilang dito sina Sergio Mendes, Will.i.am, Macy Gray, Justin Timberlake, Nicole Scherzinger, Fergie ng Black Eyed Peas, Christopher Cross at iba pa.
Sa anunsyo ng tinaguriang “Suklay Diva” sa pamamagitan ng kanyang management, nito lamang November 14 nang pumanaw ang kanyang mister sa edad na 57.
“Prayers for the repose of his soul are most appreciated and I would like to request for privacy during this difficult time. Thank you,” saad nito.
Una siyang tinangkilik bilang internet sensation kamakailan kasabay ng kanilang kasal ni Mike sa Tagaytay.