Aminado ang singer na si Katrina Velarde na may panghihinayang siya sa pagpasa sa virtual auditions ng American Idol noong nakaraang taon, pero hindi na umusad pa.
Sa kanyang pagbabalik-tanaw, inihayag ni Velarde na hindi natuloy ang paglipad niya sa Amerika dahil nagkaproblema sa kanyang working visa.
“Too late na dahil after ng audition ko, dapat nang lumipad sa U.S., a week after kaya hindi na kakayanin. They don’t allow tourist visa,” wika nito sa pep.
Kuwento pa nito, alas-5:00 ng madaling araw sa Pilipinas nang siya ay makipag-showdown sa audition kasama ang iba pang bigating singers mula sa iba’t ibang bansa.
Ngunit hindi man aniya natupad ang pagsali niya sa sikat na reality singing competition sa Amerika, naniniwala siya na may inilaan pa rin ang Diyos para sa kanya.
Kung maaalala, American music producer ang mister ni Katrina na si Mike Shapiro na pumanaw noong November 2021 o anim na buwan pa lamang matapos ang kanilang kasal.