Kasamang lilipad patungong kalawakan ang pop star na si Katy Perry.
Isa ang singer sa nakatakdang all-women flight ng New Shepherd rocket ng Blue Origin.
Makakasama nito sina Lauren Sanchez ang fiancee ni Jeff Bezos ang may-ari ng Blue Origin, CBS presenter Gayle King, dating Nasa rocket scientist Aisha Bowe, civil rights activist Amanda Nguyen,at film producer Kerianne Flynn.
Ito aniya ang pinakaunang all-women space flight na magaganap mula ng magsagawa ng solo mission noong 1963 ang Valentina Tereshkova ng Soviet Union.
Wala pang petsa kung kailan ang paglipad ng Blue Origin subalit sinabi nila na maaring sa mga susunod na buwan na ito isasagawa.
Magkakaroon si Perry ng Lifetime Tour mula Abril 23 hanggang Nobyembre 11 kaya inaasahan na maaring maganap ang paglipad bago ang konsiyerto nito.