-- Advertisements --
Pinagbabayad ng korte ang singer na si Kelly Clarkson ng halos $200,000 kada buwan sa kaniyang asawa at anak.
Bahagi ang nasabing kabayaran sa inihaing divorce ng singer sa dating asawa nitong si Brandon Blackstock.
Nagsimula ang nasabing kautusan noon pang Abril.
Nakasaad sa nasabing kautusan na babayaran ng singer ng $150,000 ang asawa bilang spousal support at $45,601 na bayad naman para sa dalawang anak nila.
Unang humiling si Blackstock ng $436,000 kada buwan hanggang ito ay nabawasan ng korte.
Magugunitang naghain ng divorce ang singer noon pang Hunyo 2020.