Naghain ng kaniyang kandidatura si Singer Lawyer at dating Board of Directors ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Atty. Jimmy Bondoc bilang isang senatorial aspirant sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino Laban para sa Bayan (PDP LABAN) kaninang umaga sa The Manila Hotel Tent City, Ermita, Manila.
Si Bondoc ay kilalang loyal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Siniguro ni Bondoc na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulan ng nakaraang administrasyon at ang tinatawag na “Duterte principles” kung siya ay manalo sa pagka-senador sa 2025 national and local elections.
Ayon pa sa senatorial aspirant, isang masalimuot na sitwasyon daw kung iisipin ang pag-ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) gayong malaking porsiyento sa ating mga kababayan ang nagkaroon ng trabaho.
Ipinunto ni Bondoc na suportado niya ang POGO sa legal na paraan subalit hindi niya hahayaan ang maling gawain nito gaya ng mga karumal dumal na krimen.
Samantala, ilang mga senatorial aspirants din ang naghain ng kanilang mga COC kabilang na dito sina Lumad Tribal Leader na si Junbert Guigayuma at si dating vice presisential aspirant noong 2022 elections, Bro. Wilson Amad.
Parehong adbokasiya ng mga ito ay may kaugnayan sa political dynasty at maging sa mga IP laws patungkol sa mga lupang sakahan ng mga magsasaka. //Via Bea Peniza